INTRO

Pasensya na kung ako ay ‘di nagsasalita
Hindi ko kayang sabihin ang aking nadarama

CHORUS
Huwag mo na akong pilitin
Ako ay walang lakas ng loob para tumanggi
Walang dapat ipagtaka
Ako ay pinanganak na torpe sa ayaw at hindi

Pasensya na kung ikaw ay naiinis
Ayoko na sanang pag-usapan pa
Kung gusto mo ay manood ka na lang ng sine
‘Di ba Huwebes ngayon baka may bago nang palabas

AD LIB

CHORUS
Huwag mo na akong pilitin
Ako ay walang lakas ng loob para tumanggi
Walang dapat ipagtaka
Ako ay pinanganak na torpe d’yan sa tabi-tabi

Pasensya na kung ako ay naiiyak
Mababaw lang talaga ang luha ko
‘Di ko mapigil ang aking damdamin
Pwede bang umalis ka na’t tumutunog na ang beeper mo

CODA
Pasensya na, ha ha ha ha, hah hah hah hah
Do do do do…